Sunday, August 23, 2009

Fancy Dinner

I've been wanting to blog about this for quite a long time now. And now I'm breaking my silence. I'm sure you've heard or watch in the television the much talked about "expensive" dinner of Pres. Gloria Macapagal-Arroyo and her entourage at Le Cirque in New York.

Ito lang masasabi ko sa lahat ng bumabatikos: Ang paplastic niyo!

Wala bang karapatan si PGMA na magdinner sa Le Cirque o sa kahit anong restaurant for that matter? Eh paano kaya kung sa carinderia siya kumain? Ano kaya magiging reaksyon ng mga tao? Siguradong may negative reactions pa rin. They would probably say na ginawa niya lang yun para magpabango sa masa. Magpakatotoo ka man o hindi, wala ka pa rin lusot.

I remember one time na ipinakita sa TV yung mga kinakain kuno ng mga estudyante for lunch. Ikinumpara yun sa dinner ni PGMA at ng entourage niya sa Le Cirque. Kapag ba hindi sila kumain sa Le Cirque ay mabubusog ang mga estudyante at iba pang mga Pilipino? Hindi naman di ba? Eh ano ipinuputok ng butse nila? Masyado silang madadrama. Kapag ba ikaw nilibre ng dinner sa fancy restaurant katulad ng Le Cirque tatanggihan mo? I'm sure hindi. Kahit nga free taste sa mall pinapatos, libreng fancy dinner pa kaya. Kung presidente ka ng isang bansa lalo na ng isang bansang puno ng problema, siguro naman you deserve something like that. Privilege niya na yun eh. Kaya lang naman ginagawang issue ang bagay na yun ay dahil din sa personal motives ng mga kalaban niya sa pulitika. Hinahanap nila lagi ng butas ang administrasyon para maisulong nila ang m ga personal na interes nila. Everything boils down to politics. Akala mo naman sila hindi kumakain sa mga mamahaling restaurant. Bigla ko tuloy naalala ang pagdalaw ng isang opposition senator sa University where I go to. Usap-usapan sa klase ang sasakyan niya. So nacurious ako. Guess what? Sino nga namang hindi pag-uusapan kung helicopter ang sasakyan mo. Sosyal di ba? Take note. Senator pa lang yan. Hindi pa siya presidente. What more kung presidente na siya. Tapos kung makapambatikos sila akala mo kung sino. Double standard. Ang sangsang talaga ng pulitika dito sa Pilipinas.

Monday, August 17, 2009

Emotional Roller Coaster

Much has been going on. Ang dami ko nang mga thoughts na gusto sanang i-blog pero hindi ko nagawa dahil nga busy. It's really hard, frustrating and, not to mention, sad to be caught up in this busy world.

My weekend wasn't really good except Friday night up to the wee hours of Saturday because that's the time na nasa anniversary party kami ng Phileos. Masaya naman 'yung party but the drinks were not good. Parang tubig lang. Wala man lang tama. Nahirapan tuloy ako to get myself in party mode. I sat there watching my orgmates and the other people dance the night away for like a couple of hours. Tumayo lang ako nung niyaya na ako ng isang sis ko to dance. I danced with my orgmates. It was FUN, I must say. I felt elated because we had a chance to bond and do things na hindi namin magagawa if we were not on that party. The party served as our excuse to get close (literally) to each other without anyone noticing (or so I thought). It was all dreamy when he was holding me. I hope it's not the last kahit na nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan. Hay.. Sana maging ok na ang lahat.

Fast forward to Saturday night. It's 9pm at paalis pa lang ako ng LB going home. Tired and hungry because I haven't eaten dinner. Hindi ko nagustuhan how the day went by. Nasira mga plans ko because they woke me up and made me go to the games waaayyy earlier than what I have planned. Balak ko pa naman sanang gawin 'yung project ko. Hindi ko tuloy nagawa. Bad trip. Grr.. So yun na nga. Stressed out ako. 11pm na ako nakauwi. I had dinner tapos natulog na ako. The next day, iritable ako. Hindi ko alam if I should blame the hormones o ang mga di kanais-nais na mga pangyayari brought by my sister and my mom. Wala na talagang ginawang matino kapatid ko. Tapos tumawag pa si L expressing his annoyance while I was at church. Ang bigat nun para sakin. I can't get it out of my mind. Siguradong mahihirapan akong magconcentrate sa pag-aaral mamaya. May exam pa naman ako early in the morning. Good luck na lang sakin. I could almost hear the song "Bad Day" play on the background because of what had happened.

Tuesday, August 11, 2009

Father to Son

I was moved by this letter of a father to his son. Dito ko nakita na maganda pala talaga ang hangarin ni Ninoy for the country.

Click here to read the letter.