Sunday, August 23, 2009

Fancy Dinner

I've been wanting to blog about this for quite a long time now. And now I'm breaking my silence. I'm sure you've heard or watch in the television the much talked about "expensive" dinner of Pres. Gloria Macapagal-Arroyo and her entourage at Le Cirque in New York.

Ito lang masasabi ko sa lahat ng bumabatikos: Ang paplastic niyo!

Wala bang karapatan si PGMA na magdinner sa Le Cirque o sa kahit anong restaurant for that matter? Eh paano kaya kung sa carinderia siya kumain? Ano kaya magiging reaksyon ng mga tao? Siguradong may negative reactions pa rin. They would probably say na ginawa niya lang yun para magpabango sa masa. Magpakatotoo ka man o hindi, wala ka pa rin lusot.

I remember one time na ipinakita sa TV yung mga kinakain kuno ng mga estudyante for lunch. Ikinumpara yun sa dinner ni PGMA at ng entourage niya sa Le Cirque. Kapag ba hindi sila kumain sa Le Cirque ay mabubusog ang mga estudyante at iba pang mga Pilipino? Hindi naman di ba? Eh ano ipinuputok ng butse nila? Masyado silang madadrama. Kapag ba ikaw nilibre ng dinner sa fancy restaurant katulad ng Le Cirque tatanggihan mo? I'm sure hindi. Kahit nga free taste sa mall pinapatos, libreng fancy dinner pa kaya. Kung presidente ka ng isang bansa lalo na ng isang bansang puno ng problema, siguro naman you deserve something like that. Privilege niya na yun eh. Kaya lang naman ginagawang issue ang bagay na yun ay dahil din sa personal motives ng mga kalaban niya sa pulitika. Hinahanap nila lagi ng butas ang administrasyon para maisulong nila ang m ga personal na interes nila. Everything boils down to politics. Akala mo naman sila hindi kumakain sa mga mamahaling restaurant. Bigla ko tuloy naalala ang pagdalaw ng isang opposition senator sa University where I go to. Usap-usapan sa klase ang sasakyan niya. So nacurious ako. Guess what? Sino nga namang hindi pag-uusapan kung helicopter ang sasakyan mo. Sosyal di ba? Take note. Senator pa lang yan. Hindi pa siya presidente. What more kung presidente na siya. Tapos kung makapambatikos sila akala mo kung sino. Double standard. Ang sangsang talaga ng pulitika dito sa Pilipinas.

No comments: